Reyna ng Langit (Regina Caeli)
Regina Caeli · Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay
O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya!
– Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan. Aleluya!
Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi. Aleluya!
– Ipanalangin mo kami sa Diyos, Aleluya.
Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria, Aleluya!
– Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya!
Manalangin tayo.
O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak na si Hesukristong Panginoon namin, minarapat mong paligayahin ang mundo, hinihiling namin sa iyo na alang-alang sa Birheng Maria na kanyang Ina ay makamtan namin ang kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan din ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Magdasal gamit ang app: may gabay, paalala, at bilang ng dasal. Libre, walang rehistrasyon.