Kaluluwa ni Kristo (Anima Christi)
Pagkatapos ng komunyon
Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin mo ako.
Katawan ni Kristo, iligtas mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin mo ako.
Butihing Hesus, dinggin mo ako.
Sa loob ng mga sugat mo, ako'y itago mo.
Huwag mong ipahintulot na mawalay ako sa iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway ako'y ipagsanggalang mo.
Sa sandali ng pagpanaw ako'y tawagin mo.
At iyong ipag-utos na lumapit ako sa iyo
upang kaisa ng iyong mga Banal ako'y makapagpuri sa iyo
sa kalangitan magpasawalang-hanggan. Amen.
Magdasal gamit ang app: may gabay, paalala, at bilang ng dasal. Libre, walang rehistrasyon.