Aba Po Santa Mariang Reyna
Isang bati sa Mahal na Birhen
Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng awa,
ikaw ang kabuhayan at katamisan;
aba, pinananaligan ka namin.
Ikaw ang tinatawag namin,
pinapanaw ng taong anak ni Eba.
Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin
ng aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay! Aba, pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
maawain at maalam at matamis na Birhen.
Ipanalangin mo kami, O santang Ina ng Diyos.
– Nang kami'y makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon.
Magdasal gamit ang app: may gabay, paalala, at bilang ng dasal. Libre, walang rehistrasyon.