Avevia

Sumasampalataya

Pagpapahayag ng pananampalataya

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang ikatlong araw ay nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Buksan ang Avevia app

Magdasal gamit ang app: may gabay, paalala, at bilang ng dasal. Libre, walang rehistrasyon.

Iba pang panalangin