Ama Namin
Ang dasal na itinuro ni Hesus
Ama namin, sumasalangit ka,
sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo,
sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
at patawarin mo kami sa aming mga sala,
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin;
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
at iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.
Magdasal gamit ang app: may gabay, paalala, at bilang ng dasal. Libre, walang rehistrasyon.